Lahat ng samahan, May hangganan


Dito mararanasan ang hirap ng pag-aaral, dito rin mararanasan ang saya ng buhay. Sa pag-aaral hindi maiiwasan ang maging mahirap, lahat ng bagay pinaghihirapan, lahat ng bagay pinagiisipan. Ngunit sa kabila ng hirap ng pag-aaral mas nangingibabaw pa din ang saya kasama ang barkada, pagkatapos ng maghapon na pag-aaral nandiyan ang barkada para maglibang.

                 Hindi maiiwasan ang ma-stress dahil sa dami ng Gawain, ngayong JHS at SHS dito ko naranasan ang ma stress dahil sa mga gawain. Malaki ang pasasalamat kos aaking mga barkada kasi tinutulungan nila ako sa eskwela pagako ay nahihirapan na. At sa kabutihang pala ako ay matataas ang grado, lalo nasa ETECH.

                  Sa dalawangtaon ko dito sa DJAPMNHS, dito ko naranasan ang tunay na saya ng pagkabinata. Mas dumami ang barkada, mas dumami ang nakilala, mas dumami ang nagalit. Hindi sinasadya ns nagagwapohan sila sakin kaya sila nagagalit. Maraming nakilalang babae pero isang babae lang gusto ko.

                Sa kabila ng lahat ng kalokohan ko sa buhay isa lang naman ang gusto ko, ang makatapos ng pag-aaral at makabawi sa paghihirap ng aking mga magulang, maibigay lahat ng pangangailangan at gusto nila.

  • ARTISTA JAMES
Design a site like this with WordPress.com
Get started